Ang mala’JANDI kong buhay.
Friday, March 19, 2010 | 3/19/2010 | 0 comments
Well, kung iisipin di naman mala’BOF eto noh. Jandi lang. Kasi diba si Jandi may F4? Hahaha. Ako din kaya meron! :)) Nung Friday (March 5) pa kasi to e. Ako lang kasi natira babae. At inindian ako ng dapat e si Ga Eul kaya ala’JanDi talaga ako.
Kasi nung Friday nag’yaya akong mag-Marquee. Wala lang. Eh kasi last day na ng exams yun at maiinip rin naman ako sa bahay kaya nag-yaya ako. Original plan, Marquee Mall. Dismissal time namin nun, 12 noon. Right after ng mass, pwede ng umuwi. Tapos ung mga may commitment pa—like Oral defense, special test—kailangan parin mag-stay hanggang matapos. So I stayed. Kasi meron pa kong 2 special test na itetake ko 1pm and the other one 2pm.
Habang hinihintay ung 1pm. Tumambay muna ako with Sab and Shobe dun sa may side ng canteen. Eh kasi si Sab may problema sila ng boyfriend niya kaya kami ni Shobe ang gumawa ng paraan. Pinuntahan namin ung boyfriend niya sa covered court at tinawag. Nakakatawa nga kami nun kasi nag-jack and poy pa kami para lang malaman kung sino tatawag dun sa boyfriend ni Sab. Eh 2nd year palang kasi yung boyfriend nya (yea, I know. Too young. Haha). Nung natawag na namin siya at dumating na siya para makapag-usap na sila ni Sab e lumayo kami ni Shobe. Well, note lang. 5 minutes before 1pm na nun. Haha.
Habang nag-uusap ung mag-syota, kami naman ni Shobe eh pinag-usapan ung mga panaginip naming may pagka-weird. Nakalimutan ko na actually ung content ng panaginip ko basta alam ko involve ditto ung taong ayoko mainvolve. Hahaha. At ditto ko nanaman narinig ang paulit-ulit nalang na sinasabi sakin ni Shobelu, ang “Feeling ko talaga magkikita kayo ulit. Pramis!” and I swear that would be the nth time I heard that from her.
FASTFORWARD NA NATIN :D
Quarter to 4 na pero di pa kami nakakaalis ng skul. Hanubayaaaan! Ang tatagal kasi ng mga nagsi-OD diba. tssk. Tapos napa-kanta pa kami ng “Pilipinas kong Mahal” at nawitness pa namin ang pagkakabuhol-buhol ng watawat sa pole dahil sa tagal ng mga kasama namin. Tas eto pang si JC, “Tara na!” ng “Tara na!” pero kung sinu-sino pa chinichika. Hahaha. So ako, JC, Gigi, Bong, Paul, Jofa ang magkakasama.
Nung nasa may side na kami ng Jenra Mall at malapit na sa sakayan ng jeep ay nag-bangayan pa kami kung san pupunta. Kung SM Clark or Marquee nalang. Tas tossed coin pa kami para lang dun. Tas naka-ilang toss kami sa coin pero wagi parin ang may gusto sa SMC. Edi wala naman daw kaming magawa ni Gigi. Umalis na si Gigi nun kasi uuwi muna daw siya para kumuha ng pera. Kaya AKO, JC, JOFA, BONG at PAUL ang natira.
Pumunta kami ng Fully-Booked dahil may bibilhin si Jofa. Ung book na Percy Jackson and the Last Olympian kung di ako nagkakamali yan siya. But unfortunately, tinakasan kami nina Bong at Paul so napatagal kami dun sa Fully-Booked. Kunwari tumitingin kaming libro pero ang totoo may hinihintay lang. Pagbalik naman nila eh pinagmalaki pa nilang kumain na sila. Samantalang kami e gutom na gutom na at hinintay sila para sabay-sabay lang kami kumain tas ganon?! Haha. Anyway. Natawa pa nga ako kay Paul e. Di makakailang kumain na kasi nangangamoy shawarma siya. xD
At dahil nagtitipid kami, pumunta kaming Hypermarket kung saan meron din mga bilihan ng food dun na parang mini foodcourt narin. :D bumili naman kami ni JC ng bacondog at nalibre pa sina Paul ng siomai ni JC. Kwentuhan galore lang kami nun the whole time nandun kami. Napunta pa nga sa mga sakit e. Like bulutong, amoeba, acidic, ulcer, etc.
After dun pumunta naman kaming WOF (World of Fun) at naglaro ng Paco Hockey. Alam niyo yun? Ung may parang bilog thingy tas kung sino ung makapasok dun sa base nung kalaban may points. Basta yun. Haha. Wala lang, nag-enjoy kami dun. Di kami maka-alis ng WOF at SMC dahil dun. Hahaha. Dahil dun nakauwi nako ng passed 9 na siguro.
KINABUKASAN. SATURDAY, March 6, 2010.
Oral defense for English Research. 9am to 9:30 am kami. So before that given time, nasa skul na kami dapat. 8:30 palang siguro nasa skul nakami ni Cheska Pingul. Kagroup ko sa Research. At pagdating namin sa skul is yung time lang na nag-rereview kami for oral defense. Galing noh? Haha. Kaso, di kami umabot ng 9:30. Mga passed that time na siguro nung turn na namin. Pangalawa akong tinanong n imam nun at di man ako kinabahan. Ewan ko pero parang simpleng Q&A lang nangyari. Pero ang problema ko lang nung mga oras na yun, nagkukulangan ako ng sagot at nabablangko ako. Sabi nga ni mam sakin, “nandun ka na e, kaso parang kulang parin”. So in the end, pasado naman pero mababa parin ang lagay. 30 over 50 lang. tsk. Okay lang. haha.
After nun, hinintay ko pa mga kasama ko na magpapraktis para sa periodic test namin sa PE. Guess what? From like 10:30am to 3pm mg hapon naghintay ako. 3pm umalis nakami sa skul at dumeretso kami sa SMC. Nag-lunch kami sa Karate Kid at natapos na ng mga bandang 4:30 dun. Nakarating naman kami kina Sab ng mga bandang 5pm tas nag-start narin pagdating namin dun. Umalis nakami dun ng mga arounf 6pm.
At dahil usapan namin ay manonood kaming sine, nag-tossed coin pa kami para malaman kung saan kami pupunta. Kung SMC ba or Marquee pa. nakakahiya nga kasi sa jeep pa namin ginawa ung tossed coin na yun. Ang ingay nalang namin sa jeep. Tapos katak ng katak si JC, ako at si Agnus. Kasi naman napipikon nako kay Agnus non. Tas binulungan ako ni Jofa tsaka ni Paul na hayaan ko nalang daw. Edi nanahimik ako. Tas binulong ko kay JC yun kaso sumagot-sagot parin siya kay Agnus kaya napalo siya kay Paul and kay Jofa. Tas di man ako nagsasalita, pinalo ako ni Agnus. Edi pinalo ko din siya nun. Tas pinalo niya ulit ako ung masakit tas siya nanaman hanggang sa napikon na talaga ako. Buti nalang di ako nakapag-mura nun. Sakit kasi talaga nung palo niya e. Edi tahimik naman daw ako the whole time na makarating kami sa SMC at makaalis si Agnus.
Nung manonood na ng sine, napansin ko parang ung kahapon lang sabi ko. Kasi Ako, JC, Bong, Paul and Jofa nanaman kasama ko at missing in action nanaman si Gigi. Nung una akala ko kami lang ni JC manonood ng Alice in Wonderland kasi sinasabi ni Jofa na ung isa pang movie ung panonoorin nila. Tas nung magbabayad na ng ticket, biglang gusto nung dalawang lalaki, Alice narin daw, edi no choice si Jofa kaya Alice nalang din. Medyo seryoso kami lahat nung nanonood na ng Alice kaya tahimik lang talaga.
Nung natapos naman ung movie eh agad naman kami umalis nun pero syempre di maiiwasan ung lokohan after the movie noh. Ung si JC ung white queen tapos si ganito si ganyan. Hahaha. :))
Masaya naman. Eto ung isa sa mga mamimiss ko pag college na. For sure maiiyak ako pag mag-rereminisce ako. hahaha. :|





