14th Month ng KantoGirls.
Sunday, March 21, 2010 | 3/21/2010 | 0 comments
March 18, 2010. 14th monthsary na ng grupo naming KantoGirls. Well, actually di ko man alam na may plano pala sila na lumabas ganyan. Kasi usually hanggang plano lang naman tas di natutuloy. Lagi naman. So medyo di ako naniwala pero nag-paalam parin naman ako.
                                       
Nung gabi before March 18, nag-gm ako sakanila kasi napag-utusan ako ni Jane. Edi nag-gm ako na tuloy ung kina Shobe bukas, ganyan. Tas walang nag-reply. Nag-pm naman si DE sakin tinatanong kung tuloy daw edi sabi ko naman oo. Tas nung nag-gm ulit ako at tinanong kung sino ung mga sasama, walang nag-reply. Maliban kay DE at Buco. Si Buco reply naman di daw sasama. Nung tinanong ko naman kung bakit, di naman nag-reply. Ang bait diba? haha. Edi sabi namin kahit konti lang kami tuloy parin. Kasi sanay naman kami na konti lang at di nakukumpleto pag lumalabas.

March 18, Thursday. Nag-gm ako sa kanila ng Happy 14th Monthsary. Nung umaga wala pang masyado nag-greet sakin nun. Si KathJoy lang tsaka si Sab ata ung nag-greet sakin. Tapos nun wala naman masyado nag-greet. Sabi ko nga sa sarili ko parang wala mang meron ngayong araw na to. Ordinary lang.

Nung dismissal nag-hintayan kami dun sa side ng covered court kasi. Tapos nag-tatanungan anong gagawin. Edi pinag-usapan naman daw namin na bibili kami ng mangga, bagoong, mag-fried rice daw kami tapos kung anu-ano gusto nila kainin. Edi after naming mag-hintayan, pumunta muna kami sa may palengke para bumili nung mangga tsaka ng bagoong. At ako na nag-dala nung bagoong. Buti di masyadong nagngangamoy noh. Haha. Tapos pumunta nakami ng supermarket para bumili pa ng pagkain. Hilig nila sa foodtrip noh? Haha.

Bumili naman daw kami dun ng pancit canton na sweet and spicy, chilimansi ata yun tsaka ung normal lang na flavor. Tapos ano pa kinuha nila nun. Tapos natapat kami sa mga ice cream. Sabi bibili daw kami. Edi umikot-ikot kami dun kasi namimili kami ng ice cream. Sa tinagal-tagal namin namimili dun kung ano bibilhin, in the end wala rin palang silbi kasi di rin kami bumili. Haha. So we end up buying pancit canton, Marty’s and Nestea litro pack (at alam ko may kulang pa. di ko na maalala mga binili namin).

Pagdating kina Shobe, umupo muna kami sa sala nila nun. Tapos nag-isip anong una gagawin. Edi nung nilapag na ung mga pinamili namin, nagpresenta nakong mag-luto nung pancit canton. Tapos hinakot ko at sinamahan ako nina Jane and Shobe. Tapos nun, sumunod narin ung iba dahil magbabalat na sila ng mangoes and everything. At dahil nagmamagaling ako (hahaha!), pinakealaman ko ung bagoong na niluluto. Ewan ko basta may nagpabantay sakin dun tapos yun, pinakealaman ko na. Tas yun, dagdag ng dagdag ng asukal tsaka ng vinegar. Sobrang dami nga nung mga nilagay ko dun e. Pero naging maayos naman ung lagay niya. Masarap daw. Hahaha. xD

After nung chibugan, nag-kwentuhan kami. Ang dami ko ngang nalamang bago e. Nung umalis na sina Bea and KathJoy, dun mas naging seryoso ung usapan. Napag-usapan ang mga sari-sarili naming lovelifes. Siyempre, inuna nung mga may mga lovelifes talaga noh. Tapos ung mga singgol leydis at wala talagang lababoos eh nahuli. Naiwan e si Ako, Shobe at Marlyn. Kainis nga e. Binubulungan ako ni Shobe na ishare ko daw ung kay bMelon sa KG. Kaso ayaw ko naman kasi parang ayoko na talaga pag-usapan at ishare pa kasi napaka-walang kwenta lang naman nung past ko na yun. Diba? Edi para mapag-takpan ung story ni bMelon at pati narin si Marlyn dahil ayaw niyang mag-share, shinare ko si MEOW na past ko. Syempre sinabi ko lang na nagustuhan ko siya pero matagal na narin yun. Tsaka teammate ko siya kaya nagkaganun diba. Pero in’assure ko naman sila na di ko na talaga gusto yun dahil nga may Bangkays na yun. Hahaha. Char. xD

So after kong mag-share nun nang mabilis, pinilit ulit namin si Keith na mag-kwento. Pina-iyak namin siya. Hehe. Naiyak kasi siya sa shinare niya samin. Nako, minsan pa nga lang siya sumama tapos napa-iyak pa namin. Haha. Pero nainspire kami sa labstory nila ni labs niya. Di mo man isipin na ganun na ung nangyayari. Haha. xD

Well, in the end. Passed 8 nakami nakaalis kina Shobe, na dapat e bago 8 palang e umalis nakami. Napagalitan ung iba, pero ung iba hindi. Pero atlis diba, bago pa man kami makagraduate, nakapag-bonding kami ng bongga. :D