Thanks for a very GREAT 2009 ;)
Thursday, December 31, 2009 | 12/31/2009 | 0 comments
"Lean on me, when you're not strong, and I'll be your friend, I'll help you carry on, for it won't be long, 'til I'm going to need somebody to lean on."
- "Lean On Me"
Twink' Kiche..
Dha' Ara..
Mean' Alena..
Arf' Xiara..
Cola' Rayne..
Kaps' Wilma..
Kabbs' Erin..
Ex' Star..
Iba-ibang tao, pero iisa lang ang naidulot sa buhay ko. Hahaha. Lalim. xD
Gusto ko kayong pasalamatan sa napaka'gandang 2009 na naibigay niyo sakin. Hinding'hindi ko ito malilimutan kasi ito ung taon na nakilala ko kayo at mas nakilala pa. You made my online world fun and exciting.
Nasabi ko na to kay Kaps pero gusto ko rin tong sabihin sa inyo. Sa inyong lahat.
Thank you din for being part of my 2009 and for being part of my life. You've already left footprints in my heart so I won't really forget you.
So totoo lang. Mas nakakapag'open ako sa inyo kesa sa mga kaibigan ko dito na araw-araw ko kasama at araw-araw ko nakikita. Kayo sa online world ko lang nakakasama at nakaka'usap pero hindi ako nag'aalinlangan na mag'labas ng mga saloobin ko. Ng nararamdaman ko. Mas gumagaan ung pakiramdam ko kapag nalalabas ko inyo yun. Kayo nga na ilang buwan ko palang nakikilala eh nalalabas ko na ung mga saloobin ko ng walang alinlangan kesa sa mga kaibigan ko dito na tatlong taon ko na kasama.
Nung mga oras na nahihirapan or nasaktan ako kay helmet aka meow aka Gabriel Pineda ang gusto ko lang gawin nung mga oras na yun e ang umuwi at mag'plurk or ym at maglabas ng sakit na nararamdaman ko. At di ako nagkamali nung mga oras na yun. Kayo ung nagpa'gaan ng loob ko at nagpatawa sakin ng sobra nung mga oras na yun. Di mo makakalimutan yun. Swear! You girls really made me laughed so hard. Kahit nung mga times na badtrip ako. Kayo lang din ung nagpapatawa sakin. Napapagaan niyo ung loob ko. And that's why I'm so thankful to have you, girls.
Twink and Dha. Kayo ung una kong naka'close at dahil sa iyo twink, nakilala ko sila. Salamat at nandito parin kayo.
Ok. Special mentions e. Hahaha. xD anyway, sana balang-araw magkita-kita tayo at magsama-sama. Pag di tayo busy at pag pwede. Haha! Gala na yan! xD
Marami akong natutunan sa inyo. Marami akong narealize at nalamang bago sa inyo. Salamat sa mga yon! Mapa'lovelife, life, buhay. Hahah. Wala nakikipag'lokohan nako. jk. xD
Ayon. MARAMING MARAMING SALAMAT SA TAON NA TOH!
Sa mga susunod na taon pa sana.
ILOVEYOU, GIRLS. FROM THE BOTTOM OF MY HEART. ;)





