Intramurals 2009
Sunday, November 15, 2009 | 11/15/2009 | 0 comments
Well, eto na. Eto na nga ang last Intrams namin sa HFA. Last intrams namin bago grumaduate. Nakakalungkot isipin kasi next year, d nakami part ng Intrams 2010. Alumni nalang kami nun at magiging visitors nalang.
Anyway, ang drama nung intro e. Hahah. XD
Here it goes..



1st DAY.. xD

Naging ok naman ung opening. Though matagal ung parade. Singka'bongga ng entrance. At dahil bongga kami, may Dragon pa kaming ginawa para lang sa entrance. Tapos may presentation pang nalaman ung adivisers ng team namin. Hahaha. xD
At dun palang, makikita mo na ung sobrang init ng laban. Hahah. Yea, yea. Kung kami may dragon, ang blue, may bunny. Well, sabi nila, supposedly, si Blues Clues ang gagagawin nila as a mascot, pero di natupad kaya si Mr. Bunny nalang. Hahaha. Natapos ung mga presentation ng mga bandang 11 cguro. Tapos dumeretso lang akong classroom nun. Di ako kumain though, may training nung araw na yun. Haha. Tapos tinignan ko ung schedule ng games pero wala akong makita. Kasama ko nun si Shobe nung mag'start ung games sa basketball. Pinanood namin ung laban ng Green vs. Blue. At si JC na nun ung kasama ko. Green ata ang nanalo nun kung d ako nagkakamali. Pero sa Blue team ako nagchi'cheer. Haha. Nung laban na ng basketball boys, nag'pwesto na nun kami sa may stage. Para naman kitang-kita namin ung laban. Red vs. Yellow nun ang laban. At todo cheer naman kami ng mga kaklase ko. Good thing, di nila kami binigo dahil nanalo sila nun.

A very boring 1st day eh? tsssk.


2ND DAY.. =(((

Ito na siguro ung pinaka'malungkot na araw ng intrams ko. Well, except dun sa nalate kaming pumasok ng classroom dahil galing kaming covered court. 2nd game kami nung umaga nun sa volleyball. Solid pressure sa side ko kasi ako ung captain. Sobrang kabado din kasi todo ung init ng araw. Unang-una, hindi ako sanay mag'laro sa ilalim ng araw. Kaya sobra akong kabado nun. Though madali lang talaga ung mga kalaban namin dahil independent sila at wala silang kakamping ibang section. HEARTBREAKING. Natalo kami. We lose the game. Disappointed ako sa sarili ko. Kasi sobrang wala akong nagawa para sa team. Eh leche naman kasi tong araw na toh. Sinunog na nga ung balat ko, tinago pa ung bola sa langit. Ayan, wala tuloy kaming ma'receive. Wala kaming nakuha. Amp.

Nung hapon, mga aroung 3pm cguro or 2pm. Expected ko na yun na aabot kami ng araw na yun. Kalaban lang naman namin ang blue team. Ma'depensa. Syet! Bago pa man mag'simula ung laban ng boys ng red team sa kabilang court e nauna na kami sa kanila. Bago pa man mag'start ung game, nag'pray muna kami. Gusto naming manalo eh. Last year nalang rin kasi namin kaya ganun namin ka'gustong manalo. Unfortunately, wala talaga. Natalo kami. Bumabawi na sana kami nung 2nd kaso match point na sila kaya no use parin. Nung una okay lang, sabi ko. It's just a game. May nanalo, may natatalo.

After nung game, inantay namin ung next game ng boys sa kabilang court. Umupo kami ni Gigi sa grass nun malapit sa volleyball court ng boys. Sobrang lungkot namin ni Gigi nun habang naka'upo kami. Kakatapos lang ng laban ng boys namin nun, at nanalo sila. Tinatry kami i'cheer up nung adviser namin na si Mrs. Aguas, pati narin si Mr. Calma pero no use. Nag'smile nalang ako. Pero all of a sudden, naiyak ako. Di ko alam ano ung naisip ko nung mga oras na yun pero naiyak talaga ako. Tapos natawa nalang sina mam sakin kasi umiiyak ako. Tas natawa nalang din ako sa sarili ko nun.

After kong umiyak, umupo ako nun kung nasan ung mga teammates ko na lower years. Sa may long kiosk sa may tabi lang ng v'ball court ng boys. Tapos sobrang chinicheer up din nila ako nun kasi di talaga ako nagsasalita. Sabi pa nga nung isa, si Angela, "Yih wala na. Sad si Ate Kei." Tas puro sila, okay lang yan. Ganyan. Tapos next game nun, blue vs. yellow. Sina meow ung lalaban. Siya ang captain. 1st set, natalo sila. Kayo sobrang nagbubusit na siya nung 2nd set. Pero unfortunately, no use ung mga efforts niya para ma'save ung bola. Natalo parin sila. Ang masakit dun, sa yellow pa sila natalo. Sa independent team.

Kahit malungkot, ginawa ko nalang katuwaan yung resultang yun. Sabi ko, nagpa'4th place nalang din si meow para damayan kami. Haha. Yea, pareho kaming 4th place. At parehong laglag sa ikalawang araw palang ng intrams. Ang sakit diba? Eto pa masakit, MVP si meow last year. Syempre, gusto parin niyang pang'hawakan ung title na yun. Pero di na niya nagawa. I was sad. Really sad. For me and for him. Pero chineer ko nalang ung sarili ko at inisip na kaya siya nagpatalo para pareho kaming 4th. Tss. NOT.



3RD DAY

Well, buong araw lang kaming nag'volleyball ni Gigi. Nag-start ung araw namin by playing volleyball. Nung una, naka'upo lang kami sa harap ng classroom. Tapos pinapanood ung mga umaalis na mga swimmers. Dahil pupunta sila sa isang pool para dun ganapin ung swimming competition. At eto namang si meow eh kasama. Meron din kasi siyang permit para makanood nung competion. Aba, ung gago, todo ba'bye. Parang di na babalik e. Hahaha. xD

Anyway, para ma'aliw kami nung umaga, gumawa kami ng sarili naming laban ng volleyball na ginanap sa side ng Principal's Office. San ka pa? Haha. At mura kami ng mura nun kapag di namin makuha ang bola. Hahaha. xD
Nung napagod kami, umupo lang kami nun. Wala naman kaming magawa e. So nanahimik nalang kami. Tas pumunta kami ni Gigi sa may volleyball court. Wala naman naglalaro nun kasi 1pm palang mag'start ung mga games kaya dun kami naglaro. Ang tagal namin dun e. Hahaha.

Nung hapon na, naglaban na ung boys namin sa volleyball.  Todo picture lang kami nun sa mga naglalaro. Hahah. Namimili kasi ng picture na dapat isubmit sa contest. Haha.


After nun, nung training, naging maayos ung training ko. Maayos ung mga receive ko at nakakapoints ako sa mga palo ko nun. Haha. Masaya ako sa performance ko nung araw na yun. At masaya tong araw na toh. Atlis, kahit papano, nakalimutan ko ung nangyari nung 2ns day diba? tssk.


4th and LAST DAY :((




1st game ung play'off namin sa volleyball boys. Here are some pictures before the game.



Nakiki'red team naman ung isa dun oh. Hahaha! Anyways..
Well, it was a 3 setter game. 1st set was for yellow, then 2nd set for the red. And for the 3rd and last set, yellow won. Yea! Yellow won over the red. It was heartbreaking. Though the captain, Igo, expected it. Ghaaad! Twice to beat, twice beaten. Ugh! Hell!
Well, mabilis lang rin naman kaming naka'recover. Kasi after nun, may laban ng volleyball boys ng varsity team versus MGCS. MGCS is a seminary skul. Mga college stud. na daw yung mga yun e. So yun. Eto pictures. xD





So ayan. Nag'scorer pa ko nian. Di ko alam saan ako titingin. Kung sa volleyball court ba o sa basketball court. Maganda rin kasi ung laban sa kabilang court neto e. Nag'overtime pa nga sila nun e. kasi nag-tie bigla ung score. Good thing, bago matapos ung overtime, naka'score kami. So winner kami by 2 points. Hahaha! 
Sa volleyball naman. Well, chicken lang sa kanila. Hahaha. Piece of cake. Haha. xD

After nun, lunch break. Well, wala naman kaming nagawa nung lunch break. Tumambay lang kami ni Gigi sa classroom. Tapos nung papunta kaming canteen, nakita ko tong sina meow at Igo, bumibili ng canton dun sa mga 3rd year na nagbebenta. Tapos kinalbit ko si Igo ata, tinanong ko kung anu binibili nila. Tas yun nga daw, canton. Tapos dadaan sana ako kaso binara nung pusa ung pwet niya. Tapos nag-"tssk" ako sa kanya tapos tumawa siya. "Batukan kita dyan." sabi ko nun sabay walkout at pumasok ng canteen. Di naman kami nag'tagal ni Gigi nun tapos bumalik din kaming classroom. Tapos nagyaya nanaman sa canteen si Gigi kaya bumalik kami, pag'pasok ng canteen, nakita ko agad sina Igo, meow, bea, and other teammates. Tapos umupo ako sa harap ni meow. (Di ako tumabi. ayaw ko nga :P) Tapos ewan ko anung sinasabi niya tapos hinahampas niya ung hita ko or dun sa may bandang taas ng knees.(Chansing!)  Haha! Inaasar ka ata siya  nun e. Tapos nakipag'pustahan pa ung gagu. Well, anyway, skip na natin to.

AWARDING.

The most awaited part. Boring. Sa totoo lang. Kasi inuna nila ung mga minor events. Tapos nakakainis pang mag'cheer kasi kami lang mga seniors ung nagchi'cheer for the red team. Kung di pa namin sisimulan ung cheer, di pa magchi'cheer ung lower years. Sabi nga ni JC, "parang patay ung red team." Tapos nung major events na, dun na medyo maraming nag'cheer samin kasi halos, nag'champion sa major events. Nung i'aannounce na ung para sa mga mass demo, umapak na kami nun dun sa bleachers tapos tumayo. Kasi sa likod kami kaya di namin masyadong makita. Unang inannounce ung sa mga freshmen. And we were so disappointed. Nag'expect kami sa totoo lang para sa mga freshmen. Kasi ang ganda nung performance nila tapos we landed 2nd place. At may ka'tie pa sila. Ugh! Blue team pa ang nag'first. Hell! Then sumunod ung mga sophies. Stepboard. And our team landed 2nd place, again. Sa totoo lang, masakit din ung pagkatalo nila. Kasi sobra nilang pinag'paguran ung performance nila. As in walang break kapag nagp'practice tapos parang napunta din sa wala ung pinag'hirapan nila. Sa mga juniors naman. Well, if you're going to ask me. Syaking talaga.  Well, they landed 2nd place too. A big shock for me. Inaantok na kasi ako nung cheerdance kaya di ko na'enjoy performances ng mga junior. Nung seniors na. Na'feel ko ung tension samin. Though, ineexpect na talaga nila ung 3rd place.  Pero after iannounce ung champion/1st place, which is ang blue team. Naiyak ung mga kaklase ko. And I was comforting them. Dahil dun, naiyak din ako sa kanila. Kasi nafeel ko kung nafi'feel nila. Supposedly kasi, DQ na ung blue. Pero ewan ko. Pinag-bigyan pa ata ng chance kaya binawi ulit un. Pati nga ung adviser ng ka'team namin na si Mr. Calma galit na galit e. Tas sabi pa niya, "Nakuha pa nilang mag'saya ng ganyan." at naiiyak na siya sa lagay na yun at galit pa.

Nung iaannounce na ung Best in Team Spirit, well. Nag'expect kami. Ng sobra! Kasi napaka'bongga nung entrance namin nung parade. Tapos grabe cheer kami, ganun. Pero hindi samin napunta ang titolong yun. Instead, Green team won the Best in Team Spirit. Na kinabigla naming lahat. We were like, "Duh! Di ko man nga sila na'feel e? Team spirit na ba yun?!" Tapos nung Best in Discipline na. Nag'expect din kami. Atlis kahit yun lang noh. Mauwi naming titolo. At nadisappoint nanaman kami. Green team won it again. At mas lalo na kaming nawalan ng pag'asa nung ang next na iaannounce na is ung OVER-ALL CHAMPION. Di nakami nag'expect. Pagka'announce nung over'all, which is ung BLUE TEAM, eh nag'walk out kami. As in lahat ng red team. Pagdating sa harap ng classroom, ung mga kaklase kong iba, nagtawanan nalang tapos nag'cheer ng "WHAT'S WRONG? WHAT'S WRONG? WHAT'S WRONG WITH NUMBER 3?" crazy eh? Haha. As in sigaw sila ng sigaw niyan habang tumatawa. Natatawa nalang nga ako sa kanila e. hahaha. xD


ISA LANG ANG PAULIT-ULIT KONG NARINIG AT NATUTUNAN NGAYONG INTRAMS NA TOH.


SA ISANG LARO, MAY NANANALO AT MAY NATATALO. GANYAN TALAGA. KUNG TADHANA MO TALAGA ANG MANALO, MANANALO KA. KUNG HINDI MAN, THERE WILL ALWAYS BE A NEXT TIME. SABI NGA NILA, "BETTER LUCK NEXT TIME NALANG." Basta alam mong ginawa mo yung best mo, bat ka pa malulungkot? Alam mo naman sa sarili mo na ginawa mo ang best mo at MAY TEAMWORK KAYO.