Thanks to You. <3
Monday, October 19, 2009 | 10/19/2009 | 0 comments
Sobrang thankful ako. Grabe! Kasi may mga kaibigan ako sa OL world na katulad nina, Twink, Dha, Ex, Mean'Alena, Arf-arf, Kaps, Rayne, Shobe(though kaibigan ka talaga siya sa personal), etc. Kasi dahil sa kanila nakakalimutan ko ung mga problemang meron ako ngayon. Madalas sa kanila ko lang nase-share ung mga problema ko. Ung mga bagay na akala ng mga kaibigan ko, e tinatago ko lang sa sarili ko. Pero ang totoo niyan, sa kanila ko sinasabi at nasasabi lahat ng yun. Kasi madalas mas nafi-feel ko na mas natutulungan nila ako kesa sa mga kaibigan ko sa personal e.
Lalo na today. Sobrang naappreciate ko sina Twink at Ex. Kasi dahil sa kanila, nakalimutan ko ung pagka-depress ko sa grades ko. Nakalimutan ko ung pagka-badtrip ko. Napatawa nila ako. Ibang klase. Ung ngang mga kaibigan ko sa personal at pati narin teammates, pag badtrip ako as in super duper mega di nila ako maka-usap e. Pero sila.. grabe! Grabe talaga. Puro "HAHAHA" ang reply ko sa kanila. Kasi napasaya talaga nila ako. Kahit si Dha'Ara. Dahil sa kanya, nakukuha ko pang tawanan yung mga problema ko. Nakukuha ko pang gawing joke yung mga bagay na pabigat sa loob ko.
Sayang nga lang at wala sina Arf arf' Xiara, Kaps and Mean' Alena. Siguro mas maloloka ako pag nandyan sila. Mas tatagal ako sa harap ng PC pag ganon. Hahaha. xD
Ibang klase. Kaya sobrang thankful ako kasi nakilala ko sila. Na dumating sila sa buhay ko. Hahaha. Ang cheezy diba? Pero totoo. Labsyu Girls! *tsup tsup* =)))))
"A true friend is someone who thinks that you are a good egg even though he knows that you are slightly cracked."
-- Bernard Meltzer.
"Hold a true friend with both your hands."
-- Nigerian Proverb
"A faithful friend is the medicine of life."
-- Apocrypha





