Talking about things.
Saturday, October 10, 2009 | 10/10/2009 | 0 comments
Geez! I'm hella worried about my grades. Grabe! Ewan ko ba bat ganun. Tinamad ako pag 2nd grading. Well, as always. Ewan ko ba bat ganyan ako. Ever since. 1st grading, mataas ung grades. Tapos 2nd, bababa. Tas 3rd, may bababa may tataas na grades, pag 4th quarter na, syempre matataas na ulit. Ewan ko ba. Hahaha. Tas ngayong 2nd grading naiinis ako. SOLID! Kasi ang bababa ng mga scores ko. Feeling ko talaga magkakabagsak nako this grading. Jusko! Sana wag naman. Kung kelan last year ko nalang. Pero I'm still hoping and praying na sana malagpasan ko tong 2nd quarter diba? Sana mag-maintain lang ung grades ko kasi pero pa naman akong pambawi. At yun ay ang mga Projects ko na pang-hatak. Hahaha. xD





Tas eto pa. Nakakalokang conversation namin ng isa sa mga naturingan kong bestfriend na si Marlyn.
At yun ay ang wag nang mag-college. HAHAHA! Mga tamad kami e! xD
Ayaw na naming mag'aral. Kalurkie diba? Hahaha. Ewan ba namin. Basta kapahon, nung lunch time napag-usapan namin ung college. Kasi kaming dalawa lang naman ung magkasama. Ayun. Sabi daw namin, mag MASCOM nalang kami. Mas Comportable sa bahay. =))))) Oh kaya, PMA. Pahinga Muna Anak. LMAO! =))))
Pano ba naman kasi, ang hirap mamili ng course. Tapos hindi pa namin alam kung saan kami mag-aaral. Ainako talaga! Ako kasi namimili ako kung IT or HRM. Si Marlyn naman, HRM or anything na connected sa Med. basta hindi lang nursing. Hahaha! So yun nga. Torn between 2 courses kami. Hahaha. xD
PERO. Nung nakapagisip-isip na kami ng mas maayos at matino, e naging ok narin. Napag-usapan namin mag-working student nalang tutal pareho namin gusto yun. At tutal parehas kaming gusto maging busy person ever kaya ayun. Hahah. Well, yea. Inseparable kami. Hahaha! :P




At hanggang dito na lamang po ang aking post.

Salamat sa mga mag-"GoodLuck" sakin.
 Sa mga hindi, Goodluck din dude! hahahaha.