Connected. (Naks! Wala akong maisip na title) xD
Friday, October 23, 2009 | 10/23/2009 | 0 comments
Walang acads today sa skul. Ung morning, culminating activity namin para sa UN at para sa Marian month. 
Pero hindi yun ang kwento ko sa blog entry na to. Haha. xD
Ang ikkwento ko is yung natuklasan ko nung break time namin bago ung Marian Culminating.

 Nasa classroom ako nun. Wala lang. Tambay. Kasi 1 hour ung break at madaming tao sa canteen kaya mas pinili ko nalang mag-stay sa classroom kesa ma'suffocate sa canteen. Edi nakatayo akong ganyan sa may right side ng chair ko pero nakatalikod ako sa podium.











Tas nabigla ako. Kasi kahit naka'side ako nakikita ko ung taong nasa tabi ko. Eh naka'jersey siya. So akala ko, si Alvin. Tapos bigla pang pininch ung braso ko sabay sabing "Masakit yung dito ko oh." Sabay lingon naman ako sa kanya. Yun pala, si meow yun. Napa'hawak pa nga ako sa chest ko kasi akala ko talaga si Alvin. Tapos sabay tanong ko nun na "Bakit? Napano ka ba?" tapos hinihimas-himas parin niya ung braso niya. Tinignan ko naman noh. Tas nakabalot siya. Ung kulay brown. Basta yon. Haha. xD Tapos sabi niya, "Di ko nga rin alam e. Nilagnat ko pa nga toh kahapon." Napa'isip naman ako sa huli niyang sinabi. Tapos sabi ko nalang nun, "Baka naman napilay ka?*pause.nag'isip*  Ai hindi. Joke. :P" Ganyan na ganyan ung pagkasabi ko. Haha. xD Pagkatapos kong sinabi yun, pumunta nako sa may front door. Kaso pag talikod ko nun, muntik ko nanaman sila mabangga ni Alvin. Tas nasabi ko, "Panget ng sayo." nasabi kong ganun dun sa project ni Alvin. WAHAHAH! =)))

Lunch break. Kumakain kami sa canteen nina Marlyn and Aya kasi nagutom kami. Besides, di kami kumain nung recess. Tapos, bigla ko ulit na'isip ung sinabi ni meow kanina habang sumusubo ako. Ung nilagnat daw siya kahapon. Tas bigla kong naalala ung panaginip ko kagabi. Napa'SYET pa ko sa utak ko! Kasi naalala ko, nasa panaginip ko rin siya kagabi. At dun sa panaginip ko, nilalagnat din siya! Deeeym! Darn it diba? HAHAHA! Tugma ung panaginip ko. Di rin kasi siya pumasok kahapon e. Haha.


Tapos nung after lunch na. Practice na para sa mga presentation/mass demo para sa Intrams nun. Eh hindi ako sumali sa ballroom kaya parang free time ko na din yun. So anyway,  dahil naka'toka kami sa may side ng canteen kaya nag-stay muna kaming covered court. Tapos dun sa covered court, nandun din sila. Naglalaro. Nung tapos na sila mag'laro nun. Hiniram namin ung bola. Ako, si Gigi tsaka si Nikki. Kaklase/friends ko. Tapos dahil si Ralph ang may hawak ng bola, nakisali narin siya samin.

Edi apat kami bale. Ang ginawa ko, tinabihan ko si Ralph sa kabilang side. Kasi parang magbo'ball handling lang kami. Ganun. Sabi ko habang naglalakad palapit kay Ralph, "Ralph, tabi tayo." sabi ko kasing ganun noh. Eh sa di kalayuang mga upuan sa side namin, nandun sila meow and company(lalaking varsities). Nung nasa tabi nako ni Ralph, aba! Bigla ba naman sumlpot sa tabi ko tong si Meow. Nakakaloka! As in sumingit siya sa gitna namin ni Ralph noh! Haha. Nag'selos siguro. Kaya biglang pumagitna samin ni Ralph. (Echos! WAHAHA!) So ang ginawa ko, tinignan ko lang siya nun sandali tapos hinarap na sina Gigi.

"Game!" sabi ko. "Game!" Sabi niya rin. Tapos niready na niya ung kamay niya para mag'receive. As in naka'pose na siya ah. Edi game na. Tapos hinagis na ni Gigi ata or si Nikki ung bola. Tapos papunta samin dalawa ung bola. Ako sana mag'rereceive, kaso nakita ko naman tong si meow sa tabi ko na ready na talaga mag'receive. So hinayaan ko siya. Nung nasa tapat na namin ung bola. Sabay naming di kinuha! Pagka'talbog ng bola sa floor, pareho kaming napatingin sa isa't isa at eye to eye, sabay namin sabing "AHHH!" tas natawa kami pareho. "Napano ka niyan?" sabi ko namang ganun pero pa'joke lang. Tapos tumawa lang siya. Kaso lumayo ung bola. Ang ginawa ko nalang, tumayo lang ako nun. Tas siya na ung kumuha ng bola. Pero habang kinukuha niya ung bola, tumalikod ulit siya sakin, tapos tumingin din ako sa kanya nun. Tapos naka'smile siya sakin tas umiiling-iling. Tapos nag'grin nalang ako sa kanya nun. HAHA! xD

Tapos nag-laro na kami nun. Pero sandali lang yun. Tapos, lumipat ako sa gitna nun. Edi Si Ralph sa right ko, si meow sa left side ko. Kahit nasa gitna nako, si meow parin nag'rereceive ng bola ko. Tapos may sinabi ako kay Gigi nun. Kasi si Gigi ung girl na nakwento ko sa isa kong Entry. Kami ung nag-bigay ng codename na meow sa kanya kasi pareho namin siyang gusto. So ayun, may sinabi nga ako. Di ko na maalala kung ano. Tinuturo ko ata si Meow nun kasi nag'step back ako ng konti. Tapos parang nagka'dikit kami nun. Arm-to arm. Grabeeeeeh! Muntik ko na ma'yakap ung right arm niya. Kasi parang pareho kaming dedma nun e. Tapos muntik ko na talaga mayakap. HAHAH. xD wala lang. :P

 Nainggit nga si Gi dun sa "dream" part. Kasi daw buti kami may connection. Aisoos! Yun na ba yun? Feeling ko nga nagkataon lang yun e. HAHAHA. xD Feeling ko talaga nagkataon lang. Kasi bago din naman ako matulog nun. OL pa siya  kaya baka.. naisip ko lang. Ganun. HAHA. xD