Paghihirap ng isang senior student.
Monday, September 21, 2009 | 9/21/2009 | 0 comments
Grabe! Eto ang pinaka-ayaw ko sa pagiging forth year student. Ang daming ginagawa. Tas sabay-sabay ang test. Ewan ko ba. Ang alam ko naman e dapat maximum of 3 quizzes lang sa isang araw. Tas ngayon, 4?! Jusko! Naghahabol pa man din ako ng grade sa Physics at Economics. Kumusta naman yun?


Nakakainis pa. Sumasabaw pa tong Investigatory Project na to. Buti nalang, medyo mababaw lang ung IP namin kaya medyo madali lang. Yun nga lang noh, Dapat mahahaba. Kunwari ung significance, dapat ata, 10 sentences. Golay!


Eto pa nakakainis, ung physics teacher namin, ayaw ata kaming pumasa sa physics. Ayaw daw bang ibigay ung formulas? Eh kasi dati binibigay niya talaga ung mga formulas pag may seatwork ganun o kaya quiz. Tas ngayon hindi na. Eto pa masaklap, dati kahit di namin nakukuha ung tamang sagot, may 2 pts. pa kami para sa effort and sa given. Aba! Jusmiyo marimar! Ngayon wala na talagang point pero minsan 1 point nalang. Nakakaloka! Maloloka kami! Grabe! Tapos kung magbigay ng test, ung mga problems sa binibigay napaka out of this world naman. Ung ibibgay na problems di man niya tinuro. Grabe! Pare-pareho kami ng mga hinaings ng mga kaklase ko. Grabe talaga.


At dahil diyan, tatapusin ko na itong post na to para makapag-review nako. Haha! Shinare ko lang ung mga sama namin ng loob. Dahil kanina di ako agad nakapag-review dahil nag-chitchat kami nung classmate ko tungkol sa lecheng p6. Haha!


Just wish me luck! UGH.